Layunin at Deskripsyon

    Marahil alam narin ng nakararami na ang wika ang siyang pinaka importanteng bagay na mayroon ang isang bansa upang gamitin sa pakikipagkomunikasyon at pag unlad. Ang wikang Filipino na ating sinasalita sa bansang Pilipinas ay naging simbolo na sa lahat ng mga pilipino na nakatira dito at hindi na mai-aalis na ang wikang Filipino ay nakatatak na sa mismong bansa.


    Gayun pa man, muli nating balikan ang importansya ng wikang Filipino at maging ang kahalagahan nito. Kaya naman sa blog na ito, ang aming layunin ay ilahad ang modernong kalagayan ng wikang Filipino sa iba’t-ibang larangan at maging ang kahalagahan ng paggamit nito sa larangan ng teknolohiya. Hangad rin ng blog na ito, na muling buhayin ang wikang Filipino sa paraan ng pagpapakita ng poster at pag presinta ng ilang impormatibong bidyo na tumutukoy sa nasabing wika. Ito ay upang maipakita ang pagmamahal sa ating wika at maipalaganap ito para mas mahalin din ito at hindi ipagsawalang-bahala ng nakararami.

Comments