Poster: Bagwis ng Pilipinas

 

"Atin itong ipakilala sa larangan ng teknolohiya na dagisikan, upang ito'y umagapay sa pag-inog ng bagong salinlahi."

Interpretasyon ng illustrasyon at Mensahe ng poster:

    Sa poster na aming nilikha, ito ay pinamagatang, "Bagwis ng Pilipinas". Ang bagwis ay isang malalim na tagalog na may kahulugang pak-pak. Sa gayon, pinapahiwatig namin sa titulo na ang wikang Filipino ay nagsisilbing pak-pak ng Pilipinas sa kadahilanang ito ang nagpa-angat o nagpalipad sa bansang Pilipinas patungo sa pag asenso nito habang pinapanatili ang sariling imahe ng pagiging Pilipino. Kung walang wikang Filipino ang ating bansa, ito ay manghihiram na lamang ng wika sa kalapit na bansa at may posibilidad na aangat din ang ekonomiya nito ngunit hindi na makikila ang pagiging Pilipino ng mga tao nito. Kung kaya naman ganon na lamang kahalaga ang wikang Filipino sa bansang Pilipinas.

    Bukod pa riyan, hayaan nyong i-interpret ko o isa-isahin ang mga imahe na makikita sa poster na ito. Sa gitna, o ang pinaka sentro ng poster ay mayroong "laptop" o makabagong teknolohiya na ginagamit sa pakikipag komunikasyon. Mula sa laptop na ito, ipinapakita ang ilan sa mga naging bayani ng ating Pilipinas, na sila Jose Rizal na nasa bandang kanan, si Andres Bonifacio sa bandang kaliwa, at si Lapu-lapu sa bandang likuran. Ang mga bayani na ito ang nagsagip sa ating wikang Filipino upang mapanatili ang ating pagka-Pilipino laban sa mga dayuhan. At sa gitna naman ng mga bayani, makikita ang imahe ni ginoong Manuel L. Quezon. Siya ang tinaguriang ama ng wikang pambansa at siya ang noo'y presidente ng maynila na kung saan siya din ang nag proklama sa Tagalog o wikang Filipino bilang batayan ng wika sa bansa noong Disyembre 30, 1937. Siya ang inilagay namin sa gitna sapagkat ang pokus at tema ng poster na ito ay tungkol sa wika. 

    Dumako naman tayo sa makikitang "megaphone" sa bandang ibaba ni Manuel Quezon, ang megaphone ay nagsisilbing sigaw at ang isinisigaw nito ay ang ilang mahahalagang programa sa telebisyon tulad ng balita, sa madaling salita ito ay para sa "mass media". Kasama nito ang ilang "social media platforms" nangangahulugan na upang mapayaman ang ating wikang Filipino, nararapat na ito ay maipakita sa mga nasabing programa at platporms. 

    Sa bandang gilid ng poster, makikita ang mga katagang "Atin itong ipakilala sa larangan ng teknolohiya na dagisikan, upang ito'y umagapay sa pag-inog ng bagong salinlahi." Makikita na ang katagang ito ay ginamitan ng malalalim na tagalog. Paraan ito upang maipakita ang kagandahan ng wikang Filipino. Ang kahulugan lamang ng katagang ito sa mababaw na tagalog ay "Atin itong ipakilala sa teknolohiyang elektronika o makabagong teknolohiya, upang ito ay makasabay sa ebolusyon ng bagong henerasyon." Ang tinutukoy namin dito ay ang wikang Filipino. Kung nais natin itong pagyabungin sa mahabang panahon at patuloy ito na madebelop, nararapat lang na ito ay sumabay sa makabagong panahon. At sa ilalim ng poster, makikita ang salita na nakalimbag sa baybayin. Ito ay transleysyon form lamang ng titulo ng poster. Nais lang namin ipakita ang kagandahan ng baybayin, kung kaya ginawa namin iyon. Gayun pa man, nais lamang ng poster na ito na maipakita ang kahalagahan ng paggamit ng Wikang Filipino sa larangan ng teknolohiya o digital world.


Comments