Mga Sanaysay

___________________________________________________________________________________

 Cadet Naser Iqbal                                BSMarE - 1A                                    GEM 2 Filipino


Ang Paggamit ng Wikang Filipino sa pananaw ng mga mag-aaral ng Maritimo


    Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng isang bansa. Kagaya na lamang dito sa bansang Pilipinas, na kung saan meron tayong wikang Filipino na ginagamit upang mas magkaintindihan ang bawat mamamayan at maipahatid ang mga saloobin at kaisipan sa wikang Filipino. Subalit, hindi lamang nakapaloob sa iisang wika lamang ang bansang Pilipinas. Sa katotohanan nga ay maraming pang wika ang ginagamit sa bansang ito, at bukod sa wikang Filipino, isa rin ang Ingles sa popular na wika na ginagamit dito pagdating sa mga pormal na usapin. Sapagkat, maituturing natin na intelektwalisadong wika ang Ingles at ginagamit sa napakaraming aplikasyong pormal na pang internasyunal. Kung kaya naman, nalilimitahan lamang ang paggamit ng wikang Filipino kung sa pormal at intelektwalisadong paraan. Dahil kung pag uusapan ang iba’t-ibang kurso sa edukasyon, tiyak na Ingles ang makikita natin sa ating mga teksbuks at isa na nga dito ang pag-aaral ng Maritimo.


    Sa pananaw ng isang mag-aaral ng Maritimo na kagaya ko, napagtanto ko ang kahalagahan ng parehong wikang Ingles at wikang Filipino sa kurso na ito at maging sa ibang parte ng edukasyon. Sapagkat, ang wikang Ingles ay ginagamit sa pagiging pormal ng mga aralin sa edukasyon at ang wikang Filipino naman ay ginagamit sa pagpapaliwanag ng partikular na aralin upang mas lubusang maintindihan ng mga mag aaral na Pilipino ang konsepto ng mga naturang aralin. Ngunit, ang wikang Filipino ay hindi maaaring gamitin sa pag-papatuloy ng kursong Maritimo, lalo kung ang mag-aaral ay malapit ng magtapos. Dahil kinakailangan ng mag-aaral ng Maritimo na mahasa ang kanyang paggamit sa wikang Ingles sapagkat ito ang kinakailangan sa naturang kurso. Narito, at aking ilalahad ang ilan sa mga kadahilanan kung bakit hindi pabor na gamitin ang wikang Filipino sa pagpapatuloy ng kursong Maritimo. Aking hahatiin sa dalawang bagay, una ay ang Kultura ng kursong Maritimo, at pangalawa naman ay ang Pinag-gagamitan ng kursong Maritimo.

    Una ay ang Impluwensya ng Kultura ng Maritimo. Kung ating susuriin ng mabuti, ang Industriya ng Maritimo o “Maritime Industry” ay ang tanging industriya na naghahatid ng mga kalakal sa pamamagitan ng pagbaybay sa mga karagatan patungo sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kung kaya naman maituturing na napakalaking industriya ang Maritimo sapagkat sakop nito ang buong mundo at isa rin ito sa may pinaka malaking ambag sa pagyabong ng ekonomiya ng mga bansa. Dahil sa kinagisnang Kultura na ito ng Industriya, kinakailangan na gumamit ng intelektwalisadong wika na maiintindihan ng magkakaibang bansa at yun ay ang wikang Ingles.

    Pangalawa at panghuli ay ang Pinag-gagamitan ng kursong Maritimo. Kapansin pansin naman na ang pag aaral ng Maritimo ay propesyong ginagamit pang internasyunal sa kadahilanan na ang Maritimo ay ginagamit sa internasyunal na paraan, tulad ng pakikipagkalakalan sa iba’t-ibang bansa, at pakikisalamuha sa ibat ibang kultura ng mga kasamahan sa barko o komunikasyon sa isat-isa habang nasa trabaho. Ang malinaw na pagkakaintindihan ng magkakaibang Kultura sa gamit ng iisang wika ay marahil napaka importante upang masiguro ang maayos at ligtas na trabaho. Kung kaya naman bilang isang mag aaral ng Maritimo kinakailangan na marunong tayo gumamit ng wika na maintindihan ng buong mundo at yun ay ang internasyunal na wika na tulad ng Ingles.


    Ngayong malinaw na sa atin ang mga kadahilangang ito, hindi parin nito mapipigilan ang mga Pilipinong mag-aaral ng Maritimo upang hindi mahalin at pahalagahan ang sariling wikang Filipino. Gayon pa man, ay patuloy parin itong gagamitin ng halos lahat ng pilipino kahit na kung saan propesyon man. Sapagkat ito ang wikang ating kinagisnan at dito rin tayo lubusang nagkakaintindihan bilang mga pilipino. Hindi man natin magamit ang wikang Filipino sa pakikipag usap sa mga taga ibang bansa, ay magagamit naman natin ito sa ating kapwa Pilipino. Ika nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal, “Ang taong hindi mag mahal sa kanyang sariling wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda.” 


Reperensya:

___________________________________________________________________________________

 Cadet Fracil Han Magguling                         BSMarE - 1A                              GEM 2 Filipino


Ang Wikang Filipino sa Komunikasyong Global


    Sa pagdaan ng mga panahon patuloy ang pag-unlad natin bilang isang bansa at makikita mo ito sa mga paraan ng ating pananalita, paraan ng ating pananamit, pagkain, medisina, teknolohiya, at mga matatayog na mga establishimento. Ganun din ang ating wika, lalo itong bumubuti at umuunlad sa paglipas ng panahon. Ang wikang Filipino ay pinauunlad ng lahat ng umiiral na wika sa bansa. Ayon nga din sa iba, ang Filipino ay isang imposisyon ng imperyalistang sentro na nakabase sa Katagalugan, ang balangkas o struktura ng Filipino ay kuha sa wikang Tagalog. Hindi alintana, ang wikang Filipino ay may malaking gagampanan sa komunikasyong global. Ito’y nagagamit natin upang makipagusap at mangumusta sa kapwa natin Filipino abroad. Ang wikang Filipino ang siyang may malaking ginagampanan para sa ating mga kapwa Filipino sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ito ang nagiging daan sa kanilang lubos na pagkakaunawan. Bukod pa rito, naipaparamdam din nito ang kagpapaisa at pagtutulungan sa hamon ng buhay. Isa na ito sa magandang nagagampanan ng wikang Filipino sa komunikasyong global. Dagdag pa dito, nagiging basehan na din ang ating wika upang tukuyin ang ating nasyonalidad. Sa mga halimbawang ito, tingin ko ay naibabase narin ng mga banyaga ang kanilang impresyon sa ating nasyonalidad. Sa mga pagpupulong nman ng mga nakatataas sa buong mundo patungkol sa ekonomiya, edukasyon, foreign policies at mga relihyon, hindi natin maitatanggi na ang wikang Ingles talaga ang kanilang nagagamit sapagkat ito’y international language na naiintindihan ng nakakarami, samantalang ang wikang Filipino nman ay nagagamit lamang ng mga nakakaintindi nito. Sa konklusyon, ang wikang Filipino sa komyunikasyong global ang nagtataguyod ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagsusumikap ng mga kapwa nating Pilipino sa ibang bansa. Kung kaya’t, dapat pa natin itong pangalagaan, pagyamanin at paunlarin sapagkat ito’y para sa atin at sa ating bansa.


Reperensya:

___________________________________________________________________________________

 Cadet Jimuel Racadag                                BSMarE - 1A                                    GEM 2 Filipino


Ang Wikang Filipino sa Larangan ng Edukasyon at Bilang Panturo


    Ayon kay Vivencio Jose, dapat gamitin ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo dahil mas madaling matuto ang mga mag-aaral. May mga nagsasabi na ang lingua franca ng ating bansa ay Filipino. Ngunit mula nang isagawa ang K-12 program ng administrasyon, lumilitaw na nagbago ang ihip ng hangin. Filipino ang lingua franca ng ating bansa. Ginagamit ito bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan upang madaling maunawaan ng mga mag-aaral. Ayon sa artikulo, ang Filipino ay kasangkapan upang makilala nga tao ang bawat isa sa lipunan. Parang hinahamak ang ating wika o ano, impluwensya lang ng lipunang kanyang kinalakihan. Ngunit sa anumang pananaw, mali ang paggamit ng wika dahil sa persepsyon nito sa pagg amit. Bukod pa rito, kinakatawan nito hindi lamang ang bawat Pilipino sa ating bansa, kundi maging ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kaya huwag na lang natin isantabi at ibaba ang halaga ng ating wika, dahil kung wala ito baka hindi tayo magkaintindihan. Sa halip na maliitin at islan ang Filipino, pagyamanin at hubugin natin ito.

 

    Ang Filipino ay sariling atin, kaya dapat natin itong mahalin, gamitin ng maayos at linangin. Dahil kung ilalagay natin ang ating mga sarili sa isang bansang walang wika, marahil tayo ay nasa kaguluhan ngayon. Wala tayong wikang pinagbabatayan ng ating pamumuhay at kaayusan. Kaya't sa halip na istante at maliitin ang Wikang Filipino, pagyamanin na lang natin at ipagmalaki, dahil ang wika ay parang puwersang pampanitikan. Napakahalaga ng Wikang Filipino sa larangan ng edukasyon dahil ito ang nagbibigay buhay, diwa at nagpapakilala sa bansa, sinasalamin nito ang kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan. Ang Filipino ang kaluluwa ng Pilipinas, at ang pagyabong nito ang susi sa tagumpay ng bansa sa lahat ng paraan. Itong larawang ito ay makikita at tratuhin ng mga tao sa ibang bansa.

 

    Maunawaan ang ating sariling wika, kulturang Pilipino, tradisyon at iba pang mahahalagang kaganapan sa ating bansa sa Pilipinas. Dahil ang daming hindi nakakakilala sa kanila kahit tayo ay mga Pilipinos. Kamakailan, bumangon ang isyu ng pagtanggal dito sa mas mataas na edukasyon nang inaprubahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang K-12 program. Ito rin ang dahilan kung bakit kailangan din baguhin at ayusin ang kurikulum para sang-ayunan ang nararapat na matutunan ng mga estudyante sa kasalukuyang panahon. Noong 2013, nagpasya ang Higher Education Commission (CHED) na tanggalin ang anim na unit sa Pilipinas para sa mga magiging undergraduate sa 2018. Ang Memorandum Order (CMO) number 20 ng 2013 CHED series ay naglalayong lumikha ng 36 na orihinal na unit mula sa 63 units.


Reperensya:

Comments