Konklusyon at Reperensya

  Konklusyon

    Sa pagtatapos ng blog na ito, nais lamang naming balikan ang lahat ng mga naisulat at natutunan nating aral sa blog post na ito. Marahil natutunan natin na ang wika ang siyang pinaka importanteng bagay sa isang bansa dahil sa napakaraming dahilan unang una ay ang komunikasyon. Ang wikang Filipino ay malaki ang naitulong sa bansang Pilipinas at ito ay patuloy na nadedebelop. Subalit, sa pag usbong ng teknolohiya makikita na mas madaling nakikilala ang iba't-ibang mga wikain kasama na ang wikang Filipino. Sapagkat sa tulong ng mga teknolohiya at makabagong kagamitan ngayon, mas madali na ang pagpapalaganap nito. 

    Gayun din, maituturing parin na mahalaga ang wikang Filipino pagdating sa mga Pilipino. Ito man ay hindi pa ganap na intelektwalisado, ito ay hindi mawawala at patuloy na madedebelop sa pag usad ng panahon hanggang sa ito ay maging ganap na intelektwalisado upang mahalin pa ng mas maraming tao at mabigyang pansin ang kahalagahan nito sa buhay ng bawat Pilipino.


Reperensya

Comments