Mga Bidyo at Repleksyon

Paggamit ng wikang Filipino, nakasaad sa iba't ibang kautusan at batas, pero tila hindi nasusunod

© GMA News

Repleksyon

    Ayon sa aking napanood ako'y sumasangayon dito sa kadahilan na ang wikang ingles talaga ang nangingibabaw sa ating bansa kahit na ang ating pambansang wika ay filipino. Maraming makikita na karatula sa ating daanan ito'y mga nakasulat sa wikang ingles kahit sa mga pormal na dokumento wikang ingles ang ginagamit at nais gamitin ng ating mga opisyal sa gobyerno o kaya naman sa pag hahanap ng trabaho. Ako naman ay nasangayon sa sinabi ng isang babae sa bidyo dahil nga mas maganda at madaling basahin ang wikang ingles sa mga karatula ngunit tayo'y nasa Pilipinas gumawa tayo ng ating pambansang wika upang ito ay gamitin at masunod pero kung tutuusin at titignan ng mabuti wikang ingles ang nangingibabaw sa ating bansa sa lahat ng larangan mula noon hanggang ngayon.


Wikang Filipino spoken word poetry Jenny Requina

YouTube Link: https://www.youtube.com/watch?v=WQkE0IY4I-4
© Jenny Requina

Repleksyon

    Sa aking pagkikinig sa maikling tula, lalo akong naliwanagan sa kahalagahan ng ating wika. Ito'y napakahalaga sa ating pagkakaintindihan, sabi sa  tula. Para sa ating mga kabataan, masasabi kong maganda at nakakalinaw ng isipan kung ito'y atin ding pakinggan. Sa responsibilidad nating kabataan sa pagpapaunlad sa wikang ating kinagisnan. Tulad lang din ng kung gaano natin gustong maging bihasa sa wikang  ingles ay mas lalo din dapat nating bihasain at alamin muna ang ating wika. Upang sa ganon ay mas maging pag-asa tayo na mga kabataan ng ating bayan. Bilang halimbawa,Hindi din sana natin hintayin pa na maging ingles na ang unang wikang natututunan ng mga bata sa ating mga tahanan at tagalog nlang ang wikang natututunan nila sa paaralan. Sabi nga sa tula, nasa huli ang pagsisisi.

Comments